Kinain ng apoy ang Covered Gymnasium ng Colegio San Agustin Bacolod kahapon dakong alas 5:35 ng hapon sa kabila ng mabilis na na-responder ng mga firefighters ng lungsod ng Bacolod.
Sa initial investigation, nagsimula ang apoy sa quarters ng mga Varsity Players kung saan natutulog ang mga Basketball players ng nasabing kolehiyo.
Katabi ng gymnasium ang band room kung saan na maraming mga band equipment at ang mga kagamitan ng performing arts lalo na ang mga costumes.
Wala naman nadamay at nasaktan sa nasabing sunog.
0 comments:
Post a Comment