BACOLOD CITY - Wala nang buhay ng matagpuan ang isang lalake matapos nagbigti sa sarili sa kanyang tinutuluyang Boarding House sa area ng Libertad, Bacolod City.
Ang biktima ay nakilala kay John Rey Libre, 27-anyos ng Brgy. Paraiso, Sagay City.
Ayon sa Landlord ng Boarding House na si Edwin Esmeralda, kinakabahan sila nang hindi na lumalabas ang biktima sa kanyang silid dahilan pilit nilang binuksan ang silid nito.
Inihayag nito na palaging sumasabay sa kainan ang biktima sa kanila ngunit noong Martes ng gabi hindi na ito lumabas sa silid hanggang kahapon ng umaga pinasok nila ang silid. Nang kanilang binuksan ang silid tumambad sa kanila ang biktima na patay na matapos nakabitin sa double deck na kama gamit ang sentoron na nakatali sa kanyang leeg.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng kapulisan sa motibo ng pagbigti nito.
0 comments:
Post a Comment