Inaabangan ng mga Cebuano ang pagpapapako muli bukas ng 53-anyos na lalaki sa Bayan ng Tubauran, Cebu.
Kinilala ang magpapako sa araw ng Biyernes Santo na si Gilbert Bargayo, residente ng Brgy. Poblacion-Cogon, sa lungsod ng Carcar, Cebu.
Ayon kay Bargayo, kanyang sinabi na ang pagpapapako sa krus ay dahil umano sa tugon ng Panginoon matapos niyang nakausap sa panaginip.
Maliban dito, inihayag ni Bargayo na magpapatayo siya ng isang kapilya sa kanilang lugar na ang pondong gagamitin ay mula sa kanyang talent fee.
Samantala, inamin naman ni Bargayo na ito na ang kanyang ika-19 na beses na magpapapako.
Dahil dito, inalmahan ni Bargayo ang patutsada ng ilang residente na ang kanyang pagpapapako ay ginagawa lamang niya na hanapbuhay.
Noong 2012 ang huling pagpapapako ni Bargayo sa lungsod ng Cebu na tahasang inamin ng LGU na ang kanilang ibinayad ay umabot sa P100,000.
Ito ang naging dahilan upang malaman ng mga tao na ang kanyang pagpapako ay may talent fee pala.