BACOLOD CITY - Patay na nang matagpuan sa loob ng balon ang isang empleyado ng Social Security System o SSS Bacolod.
Ang biktima ay may edad na 48-anyos at residente ng Barangay Mansilingan, Bacolod City.
Ayon sa imbestigasyon, ito ay nawala dakong alas-3:00 kahapon ng umaga matapos lumabas sa kanilang bahay.
Dakong alas-11:00 na ng tanghali nang kanilang natagpuan ang cellphone nito at tsinelas malapit sa balon ngunit huli na nang ma-verify na nasa loob ang biktima at patay na.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya kung paano nahulog sa balon ang biktima ngunit walang na kitang senyales ang mga ito na may foul play sa naturang insidente.
Nabatid naman mula sa asawa na mayroong depresyon na pinagdadanan ang biktima na pinaniniwalaan na naging dahilan ng kanyang pagtalon sa balon.
Napag-alaman na imposibleng aksidente lamang na nahulog ang biktima dahil mataas ang nasabing balon.