Matitikman ni US President Barack Obama ang dirty ice cream ng mga Pinoy, sa kanyang pagdalaw sa Pilipinas sa darating na araw ng Lunes at Martes.
Isa sa mga inihahanda ng Palasyo para sa pangulo ng Amerika ang dirty ice cream at iba pang Pinoy delicacies.
Hindi lingid sa buong mundo ang pagkahilig ni Obama sa ice cream.
Bibigyan din si Obama ng miniature jeep na gawa sa metal at dried mangoes galing Cebu bilang token.
Una nang sinabi ng mga chef na naghahanda sa state dinner na ibibigay ng Palasyo kay Obama, na mga pagkaing Pinoy.
Bida ang seafoods ng Pilipinas kagaya ng lobster at Lapu-Lapu.
Mayroon ding pochero at inasal na bagama't karaniwang pagkain lang para sa mga Filipino, ay gagawing espesyal para kay Obama.
Ang sangkap ng pochero ay mga lamang dagat at organic na mga gulay.
Ang panghimagas ay ang matamis na mangga mula sa lalawigan ng Guimaras.