Patuloy na minomonitor ngayon ng Pagasa ang papalapit na Low Pressure area o LPA mula sa silangan ng bansa. Inaasahan na papasok sa loob ng Philippine area of responsibility ang naturang sama ng panahon sa susunod na linggo. Malaki rin umano ang posibilidad na tuluyan itong mabuo bilang bagyo na tatawagin naman sa local codename na "Domeng."
Pero sa hiwalay na weather advisory ng Japan Meteorological Agency, itinuturing na ng ahensiya na isang "tropical depression" ang nasabing weather system.
Samantala, asahan pa rin ang mas mainit na panahon sa susunod na tatlong araw. Ngayong araw ng Huwebes, tinatayang maglalaro sa 24 hanggang 35 degrees Celsius ang antas ng temperatura.
0 comments:
Post a Comment