BACOLOD CITY - Nagbabala ang Bacolod City Police Office sa mga pawnshops at jewelry stores lalo na ang mga ibat-ibang establishemento komersiyal sa lungsod ng Bacolod laban sa mga notoryos na robbery group, kasunod ng kanilang natanggap na intelligence report na nandito na sa nasabing lungsod ang tatlong miyembro ng Ozamis Robbery Group, ang notoryos na grupo na naghohold-up sa ilang bahagi ng Mindanao.
Sa impormasyon na nakuha, ang nasabing grupo ang una nang na-ispatan sa Dumaguete na agad din ibinigay ang impormasyon sa BCPO at ito din ang na-trace na nandito na sa Bacolod. Ngunit, hindi naman ma-confirm ng mga kapulisan ang tamang lugar na tinataguan ng mga ito.
0 comments:
Post a Comment