Tuluyan nang humina bilang Low Pressure Area o LPA ang binabantayang Bagyong Domeng.
Kaninang madaling araw ay natukoy ang sentro ng LPA sa karagatang Pasipiko o sa layong 350 kilometro sa silangan hilagang silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Ayon sa Pagasa, kahit na humina sa LPA ang sama ng panahon ay magdudulot pa rin ito ng mga pag-ulan sa bahagi ng Davao at Caraga Region, maging sa lalawigan ng Misamis Oriental at Eastern Visayas.
Umuusad ang sama ng panahon sa direksyon na hilagang kanluran ngunit mabagal sa 5 kilometro bawat oras lamang.
Sa ngayon ay ibinaba na ng Pagasa ang storm surge alert sa silangan ng Visayas at Mindanao.
0 comments:
Post a Comment