BAGO CITY - Patay ang 7 buwang gulang na sanggol dahil sa suffocation na kagagawan mismo umano ng sarili nitong ama.
Ang sanggol ay isang babae at ikalawang anak ng mag live-in partner na John Rey Biaco, 20-anyos, at Jonalyn Biaco, 18-anyos, ng Brgy. Taloc, Bago City, Negros Occidental.
Ayon sa salaysay ng ina na si Jonalyn, na-suffocate umano ang sanggol matapos takpan ni John Rey ang ilong at bunganga ng bata matapos umiyak.
Aniya madalas itong ginagawa ng suspek sa kanilang anak sa tuwing umiiyak ang sanggol dahil naiingayan ito.
Sinabi ni Jonalyn na pinigilan niya ang asawa sa ginagawa sa kanilang anak ngunit tinadyakan siya nito kaya hindi kaagad nasaklolohan ang sanggol.
Naisugod pa ang biktima sa ospital ngunit hindi na naagapan pa.
Sa ngayon ay nakakulong na ang mister ngunit itinatanggi nito ang krimen at sa halip ang asawang si Jonalyn ang kaniyang itinuro na sumakal sa sanggol matapos umiyak kaya namatay.
0 comments:
Post a Comment