Ayon sa PAGASA, sa Huwebes tatama sa kalupaan ng Surigao Provinces ang Bagyong Domeng.
Sa ngayon, wala namang pagbabago sa lakas at direksyon nito habang papalapit sa Surigao provinces.
Sa inilabas na 11 am weather bulletin ng PAGASA, pumapalo pa rin sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna ang lakas ng hangin ng bagyo at may pagbugsong umaabot pa rin sa 80 kph.
Mabagal pa rin itong kumikilos pakanluran sa bilis na 15 kph.
Huli itong namataan sa layong 770 kilometro, silangan ng Davao City. Ito ay kung hindi aniya magbabago ng lakas at direksyon ang bagyo.
Sa Biyernes naman ng umaga ay inaasahan na ito sa Sulu Sea.
Posibleng bagtasin din nito ang Northern Mindanao, Southern Cebu, Southern Negros at diretso sa Northern Palawan.
Sa ngayon, wala pang nakataas na storm warning signal sa mga lalawigan sa anomang parte ng bansa dahil sa malayo pa ang bagyo.
0 comments:
Post a Comment