Isasailalim na sa state of calamity ang Sitio Bayking, Barangay Mambaling, Cebu City matapos hagupitin nang napakalakas na ipo-ipo kahapon.
Maalala, nasa kabuuang 29 na mga kabahayan nang nasabing lugar ang nasira nang tumama ang ipo-ipo na may lakas na 400km/hr.
Maliban sa mga nasirang kabahayan nawasak din ng ipo-ipo ang barangay gym na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit sa isang milyong piso.
Samantala, nakaalerto pa rin ang Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Council sa posibleng pag-apaw ng tubig-dagat dahil sa banta nang papalapit na Bagyong Domeng.
0 comments:
Post a Comment