Tinaya na ni Top Rank Promoter Bob Arum na baka kumita ang rematch nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley sa pagitan ng 1 million hanggang 1.2 million pay-per-view buys sa Amerika. Kung sakaling umabot sa naturang bilang ay posibleng kumita raw ito ng $60 million hanggang $70 million.
Paliwanag ni Arum, noong unang paghaharap ng dalawa, kumita umano sa PPV ang laban ng 900,000 buys na halos sumabay sa finals ng NBA Eastern Conference kaya naapektuhan ang benta.
Maliiban dito, noong panahong yon ay hindi pa kilala si Bradley pero ngayon ay umaani na rin ito ng mga tagasunod.
Maraming ginawa umanong promosyon ang laban para maparami pa ang magkainteres na mga boxing fans.
0 comments:
Post a Comment