Muling nag-alburuto ang bulkang Taal matapos makapagtala ng dalawang pagyanig sa paligid nito kahapon ng umaga, Abril 22, Martes.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, nakapagtala ng pagtaas ng water temperature sa bunganga ng bulkan na 32.5*c, na dating 30.0*c.
Nakapagtala din ang PHIVOLCS ng pagbaba ng water level sa paligid ng bulkan mula 0.48 meter hanggang 0.43 meter.
Nakataas pa rin sa alert level 1 ang paligid ng bulkan at may posibilidad na pumutok ito.
Ipinagbawal ng PHIVOLCS sa publiko ang paglapit sa bulkan at pagtatayo ng bahay sa paligid nito.