Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa lungsod ng Bago sa motibo sa pagtanggal ng ulo ng monumento ni General Juan Aranete na nakalagay sa harapan ng Bago City Public Plaza.
Lunes ng umaga napansin na lamang wala na ng ulo ang monumento ng Local Hero ng Negros Occidental na nagserbe Land Mark sa lungsod ng Bago. Natagpuan ang ulo nito malapit sa monumento na iniwan ng responsableng kumuha.
Pinaniniwalaan na ang motibong pagnanakaw ay pinaniwalaang Bronze ang nasabing ulo.
Napag-alaman na gawa lamang sa cemento ang nasabing monumento.
Inutos agad ni Mayor Ramon Torres na iayos agad ang monumento dahil importante ito para sa kanilang lungsod.
Napag-alaman na si General Juan Araneta ang residente ng Bago at kinilala na Local Hero ng Negros Occidental dahil sa malaking papel nito para sa kalayaan ng probensya laban sa pagnanakop ng mga espanyol.