Ibinasura ng Supreme Court o SC ang apela laban sa Anti-Cybercrime Act na kamakailan ay idineklarang "constitutional" ang internet libel at iba pang probisyon.
Ayon sa Korte Suprema, ibinasura ang lahat na motion for reconsideration kaugnay sa desisyon na inilabas noong February 18, 2014.
Una nang nagdesisyon ang kataas-taasang hukuman na "constitutional" o naaayon sa Konstitusyon ang kontrobersyal na "Online Libel Provision" sa Cybercrime Law o ang Republic Act 101-75 o Cybercrime Prevention Act of 2012.
Pero ang 'Online Libel" ay para lamang sa orihinal na author o nag-post ng mapanirang artikulo.
Pero "unconstitutional" o hindi dapat kasuhan ang "mag-like" lamang o ang mag-post ng komento sa orihinal na post o artikulo.
Kinontra ito ng mga petitioners at hiniling na ideklarang "unconstitutional" ang online libel.