Handa nang patunayan ni dating World Champion Nonito Donaire Jr., ang kaniyang kakayahan sa Featherweight Division.
Sa nangyaring press, sinabi ni Donaire na target nitong talunin at makuha ang WBA/IBO Featherweight Belt ni South African Champion Simpiwe Vetyeka.
Ayon sa tinaguriang 'Filipino Flash', gagawin niya ang lahat para magkampeon, hindi lang para sa mga mga kababayan kundi para sa kaniyang pamilya.
Sumalang na rin sa sparring sessions si Donaire sa gabay ng kaniyang tatay at coach na si Donaire Sr.
Huling lumaban si Nonito Jr., noong Nobyembre matapos pabagsakin si Armenian Boxer Vic Darchinyan sa kanilang rematch.
Ang Donaire-Vetyeka fight ay gagawin sa May 31 sa Venetian Resort Hotel, Macau, China.