BACOLOD CITY - Patay ang isa sa dalawang persona matapos nakuryente habang ikinakabit ang tarpaulin sa billboard dakong alas 5:30 noong Lunes ng hapon na matatagpuan sa Bacolod Christian Center sa Luzuriaga.
Dead on arrival sa Western Visayas Regional Hospital si Alberto Emnasin, 32-anyos, residente ng Burgos Street, Brgy. 17, Bacolod City na nasunog ang katawan matapos makahawak sa live wire.
Habang paso naman sa kaliwang kamay ang natamo ni Jimboy Lampisa, 32-anyos ng Brgy. Sum-ag, Bacolod City.
Patuloy naman ginagamot sa Regional Hospital si Lampisa.
0 comments:
Post a Comment