Hinimok ni Samar Congressman Mel Senen Sarmiento ang Philippine National Police na bigyan ng special exceptions sa ipinatutupad na gun-licensing requirement para sa mga journalists.
Ito ay kasunod ng panibagong pagpaslang sa correspondent ng Daryo na si Rubie Garcia dahil sa uri aniya ng propesyon ng mga media practitioners at iba pang “high-risk” professions na hindi naman miyembro ng PNP o Armed Forces of the Philippines o AFP.
Banggit pa ni Sarmiento, maraming media practitioners ang nahaharap sa kasong libelo na nagpapahirap kapag kukuhanan na ng court at National Bureau of Investigation o NBI clearance na requirement na nakasaad sa Republic Act 10591 o kilala bilang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Hindi lamang ayon kay Sarmiento ang mga media practitioners na mapanganib ang uri ng propesyon kung maging ang mga nasa judiciary gaya ng court sherrifs, prosecutors at judges ay dapat ding mabigyan ng special exceptions sa gun-licensing requirement.
Imposible rin ayon kay Sarmiento na maprotektahan ng PNP ang mga journalists laban sa posibleng pagpaslang gayundin sa mga nasa hudikatura kundi ang maarmasan din ang mga ito.
Maalala, si Garcia ay binaril sa loob mismo ng kanyang bahay sa harap ng kanyang mga anak sa Bacoor, Cavite noong Linggo.
Pinuri naman ni Sarmiento ang mabilis na aksyon ng PNP nang bumuo ito ng ‘special investigation task group’ na hahawak sa kaso ng pagpatay kay Garcia.
0 comments:
Post a Comment