Lalo pang iinit ang panahon sa mga susunod na araw dahil sa inaasahang pagsisimula ng El Nino Phenomenon.
Ayon sa Pagasa, tanging ang ridge of the high pressure area ang nakakaapekto ngayon sa ating bansa kaya nagkakaroon ng matinding init ng temperatura.
Inaasahang magsisimulang maramdaman ang El Nino o tag-tuyong panahon mula ngayong huling bahagi ng Abril hanggang Hunyo.
Kabilang sa inaasahang epekto nito ay ang kakulangan ng ulan na pangunahing source ng tubig sa mga dam.
Wala rin umanong namataang sama ng panahon o kahit makapal na kaulapang maaaring maghatid ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng ating bansa sa loob ng linggong ito.