Nagdeklara na ng measles outbreak sa lalawigan ng Maguindanao, kasunod nang dumaraming kaso ng tigdas.
Pumalo na sa labing-dalawa ang kaso ng nasabing sakit sa nasabing probinsya sa loob lamang ng buwan ng Abril.
Wala naman naitalang nasawi dahil sa nasabing sakit.
Gayunman, nakakabahala umano ang ganitong paglobo ng tigdas lalo't inaasahan sana nilang ang measles free ngayong buwan.
Layunin ng deklarasyon ng outbreak na mapalakas pa ang public awareness at mapaglaanan ng sapat na gamot sa mga health centers at hospitals.