KABANKALAN CITY - Sugatan ang mag-asawa at dalawa nilang mga anak na pawang menor de edad matapos hinagisan ng pinaniniwalaang granada ang kanilang bahay sa Sitio Buko, Brgy. Tan-awan, Kabankalan City dakong alas 11:15 noong Linggo ng gabi.
Ang mga biktima ay sina Ricky Guillepa, 40-anyos, at ang asawa na si Enjoy Guillepa, 32-anyos at ang kanilang mga anak na sina John Mark, limang taon at Jackylyn, dalawang taon na pawang natamo ng menor na pagkasugat sa kanilang likuran at paa.
Sa inisyal na impormasyon mula sa isang Barangay Kagawad sa nasabing Barangay, hindi granada kundi isang eksplosibo ang nilalaro ng mga kabataan habang nag-aaway ang mag-asawa.
0 comments:
Post a Comment