"Ang Panginoon ang dapat na paglaanan ng tunay na pagsamba at hindi kayamanan o kapangyarihan."
Ito ang paalala ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle kasunod ng paggunita ng mga Katoliko sa Mahal na Araw.
Ayon kay Tagle, kung ang sinasamba ng isang tao ay ang salapi ang tanging pinapahalagahan lamang nito ay ang kanyang bulsa.
Iginiit pa ng Cardinal na marami nang sinirang buhay ang pagnanasa sa kayamanan,
kapangyarihan at maging sa mga babae.
Aniya pa, kung ang mga naturang ‘false gods’ ang sasambahin ng mga tao ay tuluyan lamang na malalayo ang mga tao sa Panginoon.
0 comments:
Post a Comment