Muling ipinakita ni Filipino Boxing Superstar Manny Pacquiao sa loob ng ring ang kanyang bangis matapos matalo niya si Timothy Bradley via Unanimous Decision sa kanilang Rematch sa MGM Grand Arena, Las Vegas, Nevada.
Muling maiuuwi ni Pacquiao ang WBO Welterweight Champion Belt na hawak ni Bradley makaraan ang kanilang kontrobersyal na laban noong Hunyo 2012 via split decision.
Ang dalawa ay may puntos na 116-112, 118-110 sa kanilang laban.
Maalala sa Round 1, kaagad nagpa-ulan ng mga body shots si Bradley na nasundan pa ng isang solid uppercut at right straight.
Sa Round 2, bumawi si Pacquiao kung saan nagpakawala ito ng jab-upper combo. Bahagya rin nitong nasaktan ang kalaban sa isang solid left.
Sa Round 3, muling bumawi si Bradley sa kaniyang mga binitawang kombinasyon at uppercut.
Sa Round 5, muling nagpakawala ng combo punches ang American boxer bagama't hirap itong patamaan si Pacquiao.
Sa Round 7, nakasungkit nang solid right hook at straight left si Pacquiao dahilan para matinag si Bradley.
Sa Round 9, pawang jabs lamang ang sagot ni Bradley sa mga kombinasyon ni Manny ng right hook at left straights.
Sa Round 11, bahagyang bumawi si Bradley sa kaniyang counter right bagama't bigo itong magbitaw ng follow-up.
Sa huling round, isang perfect lead left ang binitawan ni Pacquiao kung saan gumanti si Bradley sa pamamagitan ng head butt dahilan para magtamo ng sugat sa kaliwang mata si Manny.
0 comments:
Post a Comment