Ang pagbubukas sa publiko ng makasaysayang Manila Cathedral ay simbolo nang pagpapatibay ng turo ng Panginoon hinggil sa buhay.
Dakong alas 6:00 kagabi ay pormal nang binuksan ang Manila Cathedral sa publiko.
Isang video presentation ang ipapakita sa cathedral hinggil sa dokumentasyon kung paano ginawa ang restorasyon nito sa loob ng dalawang taon.
Nagsasagawa rin ng cultural program sa Plaza Roma na magwe-welcome sa mga tao bago ang Misa, na idadaos dakong alas 6:30 kagabi sa pangunguna ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.
Nagsasagawa rin ng special ceremony matapos ang Misa, kasama na ang pagsisindi ng 12 dedication candles at ang paglalagay ng 12 dedication crosses na sumisimbolo na ang Simbahang Katoliko ay itinatag ng 12 Apostles kung saan si Hesus ang namumuno.