Tatlong menor de edad na evacuees sa Zamboanga na nagkaroon ng sexually transmitted infection matapos masadlak sa prostitusyon bunsod ng kahirapan matapos ang Zamboanga Seige. Sa ulat, 20 kababaihan ang tinamaan ng STI at tatlo sa bilang na ito ay pawang mga menor de edad.
Samantala, naniniwala naman si Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma Jr. na sa lahat ng mga lugar na mayroong kalamidad ay mayroong kakaibang hamon sa mga opisyal na maging mas mapagmasid ang mga ito, mapagmatyag para maalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan pati ng mga kababaihan.
Binigyang diin ng opisyal na pwede naman aniyang pagtulungan ng iba’t ibang mga civic organizations at grupo ng simbahan ang problemang katulad nito dahil ito aniya ay isang panlipunang concern.
Nauna rito, sinabi naman ni Sec. Coloma na sinusubaybayan ng DSWD ang lahat ng mga evacuation centers kabilang na ang Zamboanga City, Bohol at sa iba pang mga lugar na nasalanta ng kalamidad.
Bahagi aniya ng kanilang tungkulin ang pangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan kasama na ang mga kababaihan.
Tiniyak at binigyang diin ni Sec. Coloma na determinado ang pamahalaan na subaybayan ang sitwasyon sa lahat ng mga evacuation centers at hindi na aniya dapat madagdagan pa ang sakripisyo o pagdurusa ng mga pamilya.
0 comments:
Post a Comment