BACOLOD CITY - Dead on Arrival sa Bacolod Adventist Medical Center ang 32-anyos na babae matapos binaril ang sarili sa loob mismo ng kanyang bahay sa Brgy. Singcang-Airport, Bacolod City. Sugat sa dibdib ang natamo ng biktima.
Nangyari ang insedente dakong alas 6:00 ng gabi noong Abril 8.
Ang biktima ay nakilala kay Romela Muñoz, 32-anyos, may anak at may asawang pinoy na kasapi ng U.S Navy.
Napag-alaman na ang biktima ay may kinakasama sa loob ng pitong buwan na kinilala kay Jun Mark Ibe, 21-anyos ng Brgy. Taculing, Bacolod City.
Kasama ng biktima ang live-in partner ng mangyari ang sinasabing pag-suicide nito.
Ayon kay Ibe, may hindi pag-intindihan silang dalawa ng biktima. Nag-uusap pa sila bago ang nangyari ang insidente. Nakarinig na lamang siya ng putok sa loob ng banyo. Nang puntahan niya, nakita niya sa loob ng banyo ang biktima na nakabulagta at may hawak na 38 kalibre at wala ng buhay.
Nasa kustodiya na ng Police Station 8 si Ibe para sa imbestigasyon habang isasailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima para madeterminar kung may nangyaring foul play o wala.
0 comments:
Post a Comment