BACOLOD CITY - Patay ang isang matanda matapos nasunog ang hinihigaan nito sa Brgy. Tangub, Bacolod City.
Ang biktima ay nakilala kay Ester Ilagan, 73-anyos at residente ng nasabing lugar.
Natagpuan ang bangkay ng matanda dakong alas 4:30 kaninang umaga sa loob ng kanyang silid.
Pinaniniwalaan na kandila ang dahilan ng sunog habang natutulog ang matanda.
0 comments:
Post a Comment