Tiklo sa Valenzuela City ang isa sa mga pangunahing pinaghahanap na kriminal sa Negros Occidental.
Kinilala ni Police Supt. Roderick Armamento ang natimbog na si Jerry Bahon, 42-anyos, na ika-17 sa most wanted list ng lalawigan.
May kasong murder si Bahon na bumagsak sa kamay ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Roberto Tiongson ng Regional Tiral Court o RTC Branch 50.
Sangkot si Bahon sa pagpatay sa isang obrero ng tubuhan pitong taon na ang nakalilipas.
Pansamantalang nakakulong sa Valenzuela Police Station ang suspek at nakatakdang ilipat sa Talisay Police Station sa Negros Occidental.
0 comments:
Post a Comment