Mararamdaman na mamaya ang epekto ng outer rainband ng bagyong si Domeng, matapos itong makapasok sa Philippine Area of Responsibility kagabi.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 880 kilometro sa silangan ng Davao City.
Taglay nito ang lakas na 65 kph malapit sa gitna, habang may pagbugsong 80 kph.
Sa pagataya, magpapatuloy ito sa direksyong pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Dahil dito, ang Mindanao at Eastern Visayas ay magkakaroon ng makulimlim na panahon ngayong araw at posible ang mga pag-ulan sa ilang mga lugar.
Inaasahan ding lalakas pa ang bagyo habang ito ay hindi pa nagkakaroon ng landfall na posibleng mangyari sa Eastern Mindanao sa susunod na 36 hanggang 48 oras.
0 comments:
Post a Comment