Isang linggo bago ang rematch kay Welterweight Champion Timothy Bradley Jr. nasa 100 percent na umano ang kondisyon ni dating 8-Division World Champion Manny Pacquiao.
Sa isinagawang training sa Wild Card Gym, sumalang sa anim na rounds na sparring si Pacman.
Ngayong araw ang pahinga ni Pacquiao upang bigyan ng panahon na makasama ang pamilya at kaibigan.
Bukas ay muling sasabak ang Pinoy Boxing Champion sa sparring sessions.
Sinabi ni Chief Trainer Freddie Roach, tatlo hanggang apat na rounds ang kanilang gagawing sparring bago bumiyahe ang Team Pacquiao patungong Las Vegas.
Ang Pacquiao - Bradley Fight ay gagawin sa sa Abril 13 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
0 comments:
Post a Comment