BAGO CITY - Patuloy na pinaghahanap ngayon ng Bago PNP ang 19-anyos na salarin kaugnay sa pagpatay sa isang Spanish National kahapon.
Nananatiling at-large si Wilsan Landero matapos napaslang ang biktimang si Santiago Munzon, 70-anyos, isang retired Spanish Navy at residente ng Purok Paraiso, Brgy. Taloc, Bago City, Negros Occidental.
Sa panaliksik, tumakas ang suspek matapos napatay ang dayuhan sa pamamagitan ng paghampas ng steel pipe. Pinaniniwalaan na ang madalas na pagmumura ng dayuhan sa suspek at ang pagmaltrato sa kapatid nito ang motibo sa krimen.
Napag-alaman na ang kapatid ng suspek na si Wilvie, 18-anyos, ay siyang live-in partner ni Munzon kung saan may dalawa na silang mga anak.
Minamaltrato umano ng dayuhan ang suspek at maging ang buong pamilya nito.
Kahapon, pinaniniwalaan na hindi na napigilan ni Wilsan ang galit kaya napatay nito ang dayuhan matapos itong minura.
0 comments:
Post a Comment