Hindi nakalampas sa mga netizens ang mali-maling pagtawag ni US President Barack Obama kay Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa kanilang joint press conference at state dinner.
Nabatid na tinawag ni Obama ang Pangulong Aquino na "Niño" at "Nonoy".
Sa microblogging site na Twitter, kahit hindi naririnig, may ilang nagwasto kay Obama.
May nakapansin naman na wala man lang may nagkalakas loob na magpuna sa pinakamakapangyarihang lider sa mundo, sa maling tawag nito sa Philippine President.
May nagbiro na baka raw ang tinutukoy ni Obama ay ang aktor na si Niño Muhlach habang sinabi ng ilan na hindi naman pala kilala ni Obama ang Pangulong Aquino.