Nakasentro ang mensahe ni Pope Francis sa pagpapalaganap ng magandang balita sa buong mundo ngayong Linggo ng Pagkabuhay.
Pinangunahan ng Santo Papa ang Holy Mass sa St. Peter's Basilica sa Roma kung saan binigyang diin nito sa mga Katoliko na ipagpapatuloy at pangangalagaan ang magandang balita ng Panginoon saan mang sulok ng mundo.
Hinamon din nito na balikan ang pinaka-ugat ng pananampalataya at lalong pag-ibayuhin.
Sa kanyang mga nakalipas na mensahe nanawagan ito sa lahat ng mga mananampalataya na dapat ay marunong tayong lagpasan sa ating sariling paraan ang anumang problema sa buhay.
Ayon sa Santo Papa, ngayon ay natutunan na nito kung paano i-enjoy ang pinasok na buhay sa loob ng simbahan para pagsilibihan ang Panginoon.
Sa kabila raw kasi ng aniya'y "gloomy" moments, ang Diyos pa rin ang yumayakap sa kanya at tumutulong na makita sa puso ang "renewed joy."