Kinilala ng South India Travel Awards ang Department of Tourism o DoT ng bansa bilang “Best National Tourism Organization” ng taong 2013.
Nanalo ang kagawaran dahil sa mga branding campaign at roadshow sa Chennai, Hyderabad at Bangalore sa South India kung saan nagsagawa ng tatlong road show at isang location meeting kasama ang filmmakers ng bansa para mas maitaguyod ang lugar.
Suportado ng Indian Ministry of Tourism ang South India Travel Awards na nangunguna sa apat na regional recognition events sa bansa kasama ang North, East at West India Travel Awards.
Kasunod nito, ang India Travel Awards na ginagawa matapos ang apat na travel awards.
Noong taong 2013, may 52,206 na turista sa bansa ang galing sa India.
Umangat ito ng 12.53% mula sa 46,395 na turistang naitala noong 2012.
0 comments:
Post a Comment