Dalawang Low Pressure Area ang nagbabanta ngayon sa Pilipinas.
Ayon sa ulat ng Pagasa, huling namataan ang unang LPA sa layong 220 kilometro sa silangan hilagang silangan ng Surigao City.
Ang nasabing weather system ay magdadala ng kaulapan at malakas na buhos ng ulan sa Eastern Visayas, partikular na ang Eastern at Northern Samar.
Ang ikalawang LPA naman ay nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility.
Huli itong namataan sa layong 1,220 kilometro sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Maaari umano itong maging bagyo sa susunod na 24 hanggang 36 na oras.
Pero sa data ng Japan Meteorological Agency, itinuturing na itong tropical depression o mahinang bagyo.
0 comments:
Post a Comment