Sa paggunita ng Semana Santa, dinadagsa ang San Pedro Cutud sa San Fernando, Pampanga upang masaksihan ang kanilang kontrobersyal na pagsasadula ng pasyon at kamatayan ni Kristo.
Kasama na rito ang pagsasadula ng pagpapako sa krus.
Sa halos 54 na taong tradisyon nang pagpapapako ng mga tinaguriang 'Kristo' ng Cutud, ito ay dinarayo na ng mga turista at lumikha na ng ingay sa Simbahang Katolika.
Hindi man ito sinasang-ayunan ng Simbahang Katolika, patuloy pa rin dinadayo ang naturang aktibidad. Ang mga karatig na barangay ng Cutud tulad ng Brgy. Sta Lucia and Brgy. San Juan ay may sarili ring programa sa tuwing sasapit ang Semana Santa.
Sa kasalukuyan, pinagbawalan na ang mga dayuhan sa paglahok sa pagpapapako sa krus dahil sa isang masamang karanasan na ginawang "katawa-tawa" ng mga sumaling dayuhan ang sagradong tradisyon.
Napag-alaman na ginamit lamang nito ang nakuhanang video para sa pornographic video.