Kinilala ngayon ni Singaporean Pres. Tony Tan Keng Yam ang katatagan ng mga Pilipino sa gitna ng pananalasa ng bagyong Yolanda.
Sinabi ni Tan, nakakabagbag damdamin ang ipinakitang karakter ng mga Pilipino sa kabila ng pagkalugmok.
Ayon kay Tan, maraming mga kababayan nito ang naglikom ng tulong at nakatakda nitong i-turnover sa mga biktima ng kalamidad sa Western Samar.
Kasabay nito, ipinaabot din ni Tan ang pagkilala sa pagkakalagda ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro. Malaking hakbang daw ito sa pagkamit ng kapayapaan at patunay sa pagpupursige ng Pangulong Benigno Aquino III para mapaunlad ang Mindanao.
Tiniyak din ni Tan ang kahandaan nitong maging partner ang Pilipinas sa pagsusulong ng regional interest.
0 comments:
Post a Comment