Ngayong summer pinag-iingat ng Department of Health o DOH ang publiko laban sa rabies kung saan karaniwang mataas ang insidente ng kagat ng aso.
Ayon kay Health Assistant Secretary Dr Eric Tayag dahil bakasyon sa eskuwela ang mga bata ay karaniwan itong nakikita sa mga kalsada na naglalaro kaya naman mas nagiging malapit ang mga ito na makagat ng aso, payo ng DOH sakaling makagat kahit maliit lamang ay dapat na magpabakuna agad sa mga ospital kung saan libreng ibinibigay umano ang anti-rabies vaccine.
Sinabi pa ni Tayag na dahil sa mainit na panahon ay karaniwang iritable rin ang mga aso kaya upang makaiwas na makagat ay dapat umanong iwasan na lapitan ang mga aso lalo na ang mga asong gala at maging mga alagang aso ay hindi rin dapat na galitin.
Dapat tiyaking nabakunahan ang mga alagang aso at huwag payagan ang mga ito na magpagala-gala.
Sa mga magulang ay umapela rin ang DOH na bantayan ang kanilang mga anak at bigyan ng impormasyon ukol sa mga aso upang umiwas ito at hindi basta-basta na lamang lalapitan.
0 comments:
Post a Comment