CAUAYAN - Tatlo ang patay, isa rito ang pinaniniwalaang may deperensiya sa pag-iisip matapos pinagtataga ng pamangkin sa Sitio Kabagiing, Brgy. Baclao sa bayan ng Cauayan, Negros Occidental noong nakaraang biyernes ng hapon.
Kinilala ang suspetsado kay Rodney Montilla at redidente sa nasabing lugar.
Sa panaliksik, napag-alaman, pinatira ni Rodney ang kanyang tiya na si Perlita Sagmon at ang dalawang taong gulang na anak nito sa kanilang bahay matapos lumayas ito ang dahilan nag-away daw si Perlita at ang asawa nito na si Guardiano.
Biyernes ng hapon habang nagluluto ng hapunan ang kanyang asawa na si Leah sa likod ng kanilang bahay, bigla na lamang nito sinaksak ng kanyang tiya, lumaban pa ang kanyang asawa at nakagawa pang tumakas at humingi ng saklolo sa kanya.
Naiwan naman sa loob ng bahay ang tatlong taong gulang na anak niya na nilaslas naman ni Perlita ang leeg hanggang maputol ang ulo nito. Sunod naman na nilaslas ni Perlita ang leeg ng kanyang sariling anak kung saan muntik ng maputol ang ulo nito.
Nang maabutan ni Rodney, patay na ang kanyang anak, dumilim ang kanyang paningin ang dahilan kinuha niya ang kanyang itak at pinagtataga hanggang mapatay ang kanyang tiya.
Narekober sa crime scene ang patalim at itak na ginamit sa pananaksak at pananaga.
Kaso na Murder o Homecide naman ang haharapin ni Montilla.
0 comments:
Post a Comment