Walang dapat ikabahala ang publiko ngayong nakapasok na sa Pilipinas ang isang Overseas Filipino Worker mula sa Middle East na sinasabing positibo sa Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus o MERS-CoV.
Ginagawa ngayon ng DoH ang lahat upang walang madagdag na bagong kaso ng nasabing sakit at upang hindi na kumalat sa bansa.
Sa ngayon ay naka-quarantine na umano sa hindi pinangalanang ospital sa Pilipinas ang OFW na dumating sa bansa noong Martes na positibo sa nasabing Respiratory Problem.
Nilinaw naman na wala pang dokumento na nagpapatunay na nahawaan ito ng MERS-CoV at isang tawag pa lamang mula sa Middle East ang kanilang natanggap na nagsasabi na positibo ito sa naturang sakit.
Samantala, pinaghahanap na ng DoH ang mga pasahero na nakatabi ng OFW sa sinakyang eroplano pauwi. Sinasabing natukoy na lamang ang sakit, matapos makipag-ugnayan ang UAE sa Health Authorities ng Pilipinas at sinabing suspected carrier ang Pinoy Worker.
Agad naman itong sinuri pagdating sa airport at lumabas na positibo siya sa sakit.
Maliban sa Pinoy Nurse, isinailalim din ang kaniyang asawa at iba pang nagkaroon ng close contact sa quarantine.
Sa ngayon ay umaabot sa siyam ang sinusuri, habang tini-trace na rin ang mga nakasabay ng OFW sa eroplano pabalik sa ating bansa.
Pinapayuhan naman ang mga OFW mula sa Middle East na magpakonsulta kaagad kung inuubo, sinisipon, may problema sa paghinga o mayroong iba pang respiratory problems.