SAN CARLOS CITY - Nagkalasug-lasog ang katawan ng 15-anyos na binata matapos masabugan ng fragmentation grenade sa lungsod ng San Carlos, Negros Occidental.
Kinilala ang biktima na si Angelo Rebuton, 15-anyos at residente ng Sitio Maglunad, Brgy. Quizon, sa nasabing lungsod.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nakarinig na lang umano ng malakas na putok ang mga magulang ng biktima mula sa taniman ng kanilang palay at natagpuan nalang ang biktima na patay na at nagkalasog-lasog ang katawan.
Ayon sa pulisya, isang MK2 fragmentation grenade ang sumabog na ikinasawi ng biktima batay sa na-recover na safety pin sa tabi ng bangkay.
Pinaniniwalaan na natagpuan lamang ng biktima ang naturang explosibo sa taniman ng palay at nilaruan kaya sumabog.