Isinulong sa mataas na kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na naglalayong itaas ang sahod ng mga mangagawa sa pamahalaan mula sa pinakamababang ranggo hanggang sa Pangulo.
Batay sa Senate Bill No. 1689 o tatawaging Salary Standardization Law ni Sen. Antonio Trillanes IV, sinabi ng senador na kabilang sa layunin na kanyang panukala ay upang maiwasan na ang kurapsyon.
Naniniwala ang senador na kung may sapat na sahod ang empleyado at opisyal ng pamahalaan ay hindi na ito sasabak pa sa katiwalian.
Sa nilalaman ng panukala ang Job Grade 1, ay magiging Php16,000 ang base pay mula sa kasalukuyang Php9,000; at ang highest government rank, na Pangulo ay magiging Php500,000 ang base pay mula sa kasalukuyang Php120,000.
Kabilang din sa makikinabang ang mga pulis, mag sundalo, at mga guro.