Umabot na sa halos 15,000 na bahay at 165 classrooms ang kasalukuyang ipinatatayo sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Yolanda sa Visayas.
Ayon kay Presidential Assistant for Recovery and Rehabilitation o PARR Panfilo Lacson, nasa 14,873 na bahay ang under construction ngayon habang 130 na ang natapos at naibigay na sa mga beneficiares.
Sinabi pa ng kalihim na nasa 200,000 housing units ang kailangang i-resettled o ayusin kung saan nasa 182,843 dito ay nasa pipeline na ng National Housing Authority o NHA at private sponsors.
Sa mga paaralan nasa 18,456 classrooms ang kailangang ayusin kung saan nasa 51 dito ang natapos at 165 iba pa ang inaayos ngayon ng pribadong sektor.
Samantala umabot na sa 12,000 bangka ang naipamigay ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR sa mga beneficiares.
Habang nasa 877 fishing vessels naman ang naipamigay ng pribadong sektor.