Todo ang pasasalamat ni Oklahoma City Thunder Superstar Kevin Durant matapos opisyal na ianunsyo bilang 2013-14 NBA Most Valuable Player o MVP.
Sa kaniyang talumpati, sinabi nitong maligayang-maligaya siya dahil ito ang kaniyang kauna-unahang MVP Award sa kaniyang career.
Hindi naman nakalimutan ni Durant na pasalamatan ang kaniyang teammates, coach at magulang sa natamong tagumpay.
Noong nakaraang linggo lamang ay binigyan ng bansag na "Mr. Unreliable" si Durant dahil sa kaniyang impresibong performance.
Nakuha ng bagong MVP ang 119 mula sa 125 first-place votes via NBA.com.
Ang kaniyang 1,232 points ang naglagay sa kaniya nang 300 points na angat kaysa sa Miami Heat star na si Lebron James.