Tinatayang 26 katao ang namatay habang 10 ang nawawala sa pananalasa ng bagyo sa Southern at Central China.
Sa Guangdong province, 15 ang naitalang nasawi habang lima naman ang nawawala.
Ayon sa Xinhua News Agency, tumulong na ang working teams upang sumaklolo sa mga biktima at magbigay na rin ng relief materials sa mga naapektuhan ng bagyo.
Iniulat din na pito ang nasawi at tatlo ang nawawala sa Hunan dahil sa pagkalunod.
Nanalasa rin ang bagyo sa SouthWestern Province ng Guizhou kung saan tatlo ang naiulat na namatay.
Isang rescuer sa Jiangxi Province ang nasawi makaraang lumubog ang bangkang kinalululanan nito sa ilog habang hinahanap ang mga nawawalang estudyante.