Isang pinoy sa Hawaii hinatulan na mabilanggo ng 30-taon dahil sa credit card scam.
Kinilala ang inakusahan si Henry Calucag, 64-anyos.
Sa modus operandi ng akusado, iniimbitahan niya ang kanyang mga kaibigan na magbakasyon sa Pilipinas at habang naririto sila sa bansa ay dito na niya isinasagawa ang paniniktik sa PIN number ng ATM o credit card ng kanyang mga kaibigan na kanyang bibiktimahin.
Napag-alaman na isa sa kanyang mga naging biktima ay si John Irvin na pumunta sa Pilipinas noong 2006.
Lumalabas na namatay ang nasabing lalaki habang naririto sa Pilipinas ngunit ginamit ni Calucag ang ATM ng biktima at ginaya niya ang lagda ni Irvin kung kaya nailabas niya ang libu-libong dolyar na pinag-ugatan ng nasabing kaso.