Nasa sampung talampakan o mahigit tatlong metro ang haba ng nahuling sawa habang tumatawid sa kalye sa Justo Lukban Elementary School sa Calixto Dyco St., Paco, Maynila.
Nabatid ng isang residente sa lugar ang nakapansin sa sawa habang nagmomotor at inakalang humps kaya muntik niya itong masagasaan.
Bunsod nito, agad siyang tumawag ng ilang kapitbahay upang hulihin ito na tumagal naman sa isang oras dahil sa bigat nitong siyam na kilos.
Wala namang nasugatan sa paghuli sa sawa na isang reticulated python o sawang bitin at walang kamandag.