Aminado ang Department of Labor and Employment o DOLE na mababa pa rin ang naitalang on the spot hiring sa katatapos na jobs fair para sa Labor Day Celebration kahapon, May 1.
Umaabot lamang sa 6,000 ang natanggap agad sa iba't-ibang trabaho mula sa nasa 80,000 inihaing vacancy.
Nasa 40,000 naman ang pinababalik ng mga kompaniya para sa dagdag na interview at iba pang requirements.
Ang nasabing bilang ay hindi pa tiyak kung matatanggap sa hangad na mga trabaho dahil sa sari-saring rason.
Karaniwang problema pa rin sa nakaraang jobs fair ang mismatch ng job hunters sa mga bakanteng posisyon.
Kailangan pa umanong palakasin ang skills training para sa local at overseas workers.