Sumuko na kahapon ang modelong si Deniece Cornejo sa Philippine National Police dakong alas-4:30 ng hapon, Mayo 5 sa mismong opisina ni Director-General Alan L. Purisima.
Kasama ni Denice ang kanyang uncle na si Rod Cornejo.
Si Cornejo ay nahaharap sa kasong serious illegal detention na walang piyansa, at grave coercion na may kaugnayan sa pambubugbog ng kanyang grupo sa TV host/actor na si Vhong Navarro.
Matatandaang unang inakusahan ni Cornejo si Navarro ng panggagahasa sa kanyang condo sa Forbeswood Heights sa Taguig na ibinasura na rin ng korte.