Kasunod ng banta ng tagtuyot sa bansa, inilunsad kahapon ng umaga ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration – Department of Science and Technology o PAGASA-DOST ang El Niño Watch.
Nagmamasid na ang mga tauhan ng ahensya sa posibleng pagdating ng El Niño sa huling quarter ng 2014 sa pamamagitan ng paglalatag ng climate models.
Ipinapakita nito ang posibilidad ng pamumuo ng tagtuyot ngayong taon na dala ng pagtaas ng temperatura sa karagatan.
Malalaman kung may napipintong pagbuo ng El Niño depende sa epekto nito sa southwest monsoon o Habagat.
Ipinaliwanag dito na nakakalakas sa Habagat ang pagdating ng tagtuyot.
Positibong epekto ito ng tagtuyot dahil makakaipon aniya ng tubig ang mga dam sa tag-ulan na posibleng maranasan simula Hulyo hanggang Setyembre.
Gayunman, posibleng humina ang ulan sa pagbuo ng El Niño na mararamdaman ang epekto simula Oktubre hanggang sa unang bahagi ng 2015 kaya pinayuhan na nito ang mga nasa disaster risk reduction and management group na i-monitor na ito upang mapakinabangan.
Una nang inanunsyo ng PAGASA at ni DOST na posibleng maramdaman na sa Hunyo ang El Niño dahil sa patuloy na pagtaas ng temperatura sa karagatan.